^

PM Sports

Try mo mag-jowa ng Taylor Swift

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Laging laman ng balita dito sa States si Taylor Swift at ang jowa niyang football player na si Travis Kelce ng Kansas City Chiefs na sariwa pa sa kanilang pagkapanalo sa NFL Super Bowl.

Kung anu-anong intriga ang ibinabato sa kanila at ang pinakahuli ay buntis na nga raw si Taylor. Bumili na nga raw ng malaking bahay si Travis kasama si Taylor at kung anu-ano pang isyu.

May balitang kinumpirma  ng nakatatandang kapatid ni Travis na si Jason, tulad niya ay isa ring football player at naglalaro para sa Philadelphia Eagles, na umalis na ng kanilang bahay ang nakababatang Kelce at bumili nga ng sarili niyang bahay dahil marami nang fans ang umaaligid sa kanilang bahay.

Dahil nag-jowa ng sikat na singer si Kelce na sinasabing nagsimula noong September, natural na sumipa rin ang kanyang  kasikatan. Sa katunayan, umabot na sa 3.9 million ang kanyang Instagram followers mula sa 1.1 million bago naging sila ni Taylor. (Madami nang followers talaga si Travis kasi nga talagang mahilig sa football ang mga tao dito sa Tate, aside from the fact na ang team niya ay Super Bowl champion ng tatlong beses sa loob lang ng anim na taon na madalang mangyari sa NFL.

Nanonood si Taylor ng mga laro ni Kelce (kung saan laging nagkakagulo ang mga tao dahil kay Taylor) at nung nag-champion nga ang Kansas City eh, nag-kiss in public for the first time ang dalawa (lalong kagulo).

Kelan lang ay nanood si Kelce ng concert ni Taylor sa Australia from the VIP section at iniiba ni Taylor ang lyrics ng mga kanta patungkol kay Kelce. Ikaw na ang jowa ni Taylor Swift.

Naalala ko tuloy ‘yung mga PBA players na nag-jowa ng mga sikat na artista at ang unang pumasok sa isip ko ay si James Yap na naging asawa ni Kris Aquino. Masalimuot ang kuwento ni James at Krist kaya ‘wag na natin pag-usapan.

Ang iba pang PBA players na nag-asawa ng artista ay sina Doug Kramer at Cheska Garcia, Marc Pingris at Danica Sotto, JC Intal at Bianca Gonzalez, Jimmy Alapag at LJ Moreno, Jayjay Helterbrand at RR Enriquez  at marami pang iba.

vuukle comment

TAYLOR SWIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with