^

PM Sports

Abueva, Tautuaa nagkahamunan

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Abueva, Tautuaa nagkahamunan

MANILA, Philippines — Lalong umanghang ang 2024 PBA Commissioner’s Cup Finals tampok ang gusot ni Calvin Abueva ng Magnolia kontra kina Mo Tautuaa at head coach Gallent ng San Miguel matapos ang Game Two noong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Wagi ang Beermen, 109-85, para sa 2-0 abante sa kanilang best-of-seven championship series ng HOtshots subalit nangyari ang mas malaking aksyon sa labas ng court pagkatapos ng dikdikang duwelo.

Nagkainitan sina Abueva at Tautuaa kasama ang ka­­nilang mga asawa sa tunnel ng MOA Arena at ki­na­ilangang awatin ng mga PBA officials at arena security.

Wala pang malinaw na dahilan ang nangyaring insidente subalit ayon kay Abueva ay binulyawan siya ng asawa ni Tautuaa na si Aida sa tunnel habang hinihintay niya ang kanyang asawa at anak.

Ayon naman kay Aida ay una siyang nginisian umano ni Abueva na si­yang naging ugat ng ka­nilang pag­tatalo hanggang sa madamay na si Tautuaa at ang asawa ni Abueva.

Pumagitna sa gusot ang ibang Magnolia coaches pati na si San Miguel consultant Leo Austria at team governor Robert Non upang pahupain ang mga emosyon.

Bago ito, nagkakis­ki­san na rin sina Abueva at Tautuaa na nagresulta sa deliberate foul ni Abueva.

Natawagan din ng technical foul si Abueva dahil sa pagsagot kay Gallent.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with