^

PM Sports

Philippine sports nagluluksa sa pagpanaw ni Samboy

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang tribute na ibinibigay kay PBA legend Samboy Lim matapos itong pumanaw ilang araw bago ang Pas­ko.

Sinariwa ng ilang ki­lalang personalida ang mabubuting halimbawa ni Lim sa mga dati at ka­salukuyang atletang Pinoy.

Inalala ng ilang perso­nalidad at grupo ang ka­ni­lang naging karanasan kasama ang tinaguriang Skywalker.

Walang maibigay na salita sa ngayon ang anak nitong si national karate team member Jamie Lim na nag-post lamang ng larawan nilang dalawa ka­sama ang heart emoji.

Ilang atleta ang nag-iwan ng mensahe kabilang na si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

May mensahe rin ang ilang naging teammates ni Samboy sa PBA.

“RIP to my former teammate, Avelino ‘Samboy’ Lim. It was an honor to play with you in the (Philippine Basketball League). Thank you for paving the way for guys like me,” ani dating PBA player Don Allado.

Inspirasyon naman ni dating De La Salle Uni­versity standout at PBA guard Mac Cardona si Samboy na isa sa dahilan ng paglalaro nito ng basketball.

“The reason kung ba­kit ako nag-basketball. Rest in peace my idol Samboy Lim! You will never be forgotten,” wika ni Cardona.

 

vuukle comment

SAMBOY LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with