Bolts lumapit sa semis berth
MANILA, Philippines — Kinuryente ng Meralco ang NLEX sa end game, 97-93, para sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three quarterfinal series sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagpabugbog muna sa una ang Bolts nang maagang maiwan sa 12-point deficit bago bumalikwas sa second half upang mamuro sa semifinals papasok sa potensyal na clincher na Game Two bukas.
Pumukol ng game-high na 22 points si Allein Maliksi tampok ang apat na freethrows sa crunchtime para diskarilin ang pambihirang performance ni Rober Bolick na nagliyab sa career-high na 48 points para sa NLEX.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Meralco mula sa elimination kung saan nakahabol sila galing sa 3-5 kartada upang makapasok pa rin sa playoffs bilang No. 3 team.
Nagawa ito ng mga bataan ni coach Luigi Trillo sa tulong din ng 15 at 14 points nina Raymond Almazan at Anjo Caram, ayon sa pagkakasunod.
Nag-ambag ng tig-12 points sina Chris Banchero at Chris Newsome, habang may 11 markers si Bong Quinto para sa balanseng atake ng Bolts.
Kumamada si Bolick, kandidato sa Best Player of the Conference, ng 20 points sa first quarter at nagtuloy-tuloy upang giyahan sa 54-44 abante ng Road Warriors sa halftime.
Unti-unti itong tinunaw ng Bolts hanggang maagaw ang 92-88 bentahe.
- Latest