^

PM Sports

NU nilapa ang UST sa Game 1

Nilda Moreno - Pang-masa
NU nilapa ang UST sa Game 1
Alyssa Solomon.
UAAP

MANILA, Philippines — Lumapit ang National University Lady Bulldogs sa pagsilo ng korona matapos nilang walisin sa tatlong sets ang University of Santo Tomas Golden Tigresses, 25-23, 25-20, 25-20 sa Game 1 ng best-of-three women’s volleyball tournament  na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Pinangunahan ni Best Player of the Game Alyssa Solomon ang opensa para sa last year’s runner-up NU matapos ilista ang 17 points mula sa 14 kills at tatlong blocks.

Sinamantala ng Lady Bulldogs ang pagkakaroon ng injury ng pambato ng UST na si Angge Poyos na natamo sa kalagitnaan ng set 2.

Nasilayan ng mga nanood ng live ang bangis ng Lady Bulldogs sa unang dalawang sets, sinikwat agad ang panalo para makauna agad at mamuro sa pagwalis sa Golden Tigresses.

Hindi na pinaporma ng Lady Bulldogs ang Golden Tigresses sa set three, nilamangan nila ng apat, 16-12 sa technical timeout para magaan na sikwatin ang panalo.

Sa kabuuan ng laro ay dominado ng Lady Bulldogs ang laro matapos iposte ang statistics na 47-41 at 7-1 bentahe sa attacks at blocks, ayon sa pagkakasunod.

May tsana ang Natio­nal University na tapusin ang UST sa Miyerkules na lalaruin sa  MOA  sa Pasay City sa alas-4 ng hapon.

vuukle comment

GOLDEN TIGRESSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with