EcoOil-La Salle kampeon ulit
MANILA, Philippines — Matagumpay na naidepensa ng EcoOil-La Salle ang suot na PBA D League Aspirants’ Cup crown matapos walisin ang Centro Escolar University sa kanilang best-of-three championship series.
Minasaker ng Green Archers ang Scorpions, 96-66, sa Game Two para sa kanilang ‘three-peat’ sa torneo.
Umiskor si CJ Austria ng 19 points para sa EcoOil-La Salle na nagtala ng 33-16 abante sa first quarter at hindi na nilingon pa ang CEU.
Sa hindi paglalaro ni injured big man Abdul-Wahab Olusesi para sa Scorpions sa ikalawang sunod na laban ay dinomina ni Nigerian center Henry Agunane ng Green Archers ang shaded lane.
Kinumpleto ng EcoOil-La Salle ang nine-game sweep ng torneo at sila rin ang ikalawang koponan na naghari ng tatlong sunod matapos ang NLEX na bumandera sa apat na dikit na komperensya.
Nag-ambag si JC Macalalag ng 17 markers, habang may 12 at 10 points sina Raven Cortez at Agunanne, ayon sa pagkakasunod.
- Latest