^

PM Sports

Bong Emong sasapawan ang Big Lagoon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ng Boss Emong na agawin ang titulo ng Big Lagoon sa 2023 PCSO Presidential Gold Cup sa Disyembre 17 sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City sa Batangas.

Makikipagsabwatan ang Boss Emong sa Sophisticated upang masungkit ang inaasam na korona sa presitihiyosong karera ng taon kung saan ay may P10 milyon ang ikakalat sa unang anim na kabayong ta-tawid sa meta.

May distansyang 2,000 metro, ang ibang nagdeklara ng paglahok ay ang Ambisioso, Don Julio, Enigma Uno, Istulen Ola, Magtotobetsky at War Cannon.

Rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang Boss Emong, habang si Claro S. Pare ang gagabay sa ka-ku­wadrang Sophisticated para harapin ang pinapaborang Big Lagoon na sasakyan naman ni John Paul Guce.

Paniguradong magiging mainitan ang bakbakan dahil sa P6 milyong nakalaan sa mananalong kabayo sa inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).

Susungkitin ng second placer ang P2 milyon, habang P1 milyon ang mapupunta sa pangatlong puwesto at P500,000, P300,000 at P200,000 para sa fourth hanggang sixth, ayon sa pagkakahilera.

Tatanggap naman ang breeder ng winning horse ng P500, 000 at P300,000 at P200,000 sa second at third finishers, ayon sa pagkakasunod.

BOSS EMONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with