^

PM Sports

Cignal malakas ang sagap sa Farm Fresh

Russell Cadayona - Pang-masa
Cignal malakas ang sagap sa Farm Fresh
Umangat si Ces Molina ng Cignal HD para sa kanyang spike sa depensa ng Farm Fresh.
PVL photo

MANILA, Philippines — Diretso sa ikalawang sunod na panalo ang Cignal HD matapos ang 25-23, 23-25, 25-20, 25-17 paggapi sa Farm Fresh sa 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umatake si veteran Ces Molina ng 20 points mula sa 18 hits at 2 blocks para sa 3-2 record ng HD Spikers na nagmula sa four-set win sa Akari Chargers noong Martes.

Nag-ambag si Riri Meneses ng 16 markers at may 14 at 13 points sina Vanie Gandler at Jovelyn Gonzaga, ayon sa pagkakasunod.

“Kasi sa training talagang inaaral namin lahat, details by details,” ani Meneses. “Kaya noong natalo kami sa second set, hindi kami pumayag na umuwing talo. Kaya talagang pumukpok kami nang husto.”

Pumoste si Trisha Tubu ng 19 points para banderahan ang Foxies na nahulog sa 0-6 marka habang may 14 at 12 markers sina Kate Santiago at Rizza Cruz, ayon sa pagkakasalansan.

Sa ikalawang laban, pinalo ng PLDT Home Fibr ang kanilang ikaapat na sunod na pananalasa mula sa 25-8, 25-9, 25-17 dominasyon sa Gerflor.

Itinaas ng High Speed Hitters ang kanilang kartada sa 4-1 at inilublob ang Defenders sa 0-5.

Humampas sina Jules Samonte at Rachel Anne Austero ng tig-10 points para sa PLDT na naglista ng 44 attacks kumpara sa 20 ng Gerflor na may 2 aces laban sa 14 ng una.

Matibay din ang depensa ng High Speed Hitters na nagrehistro ng 7-0 bentahe sa blocks.

vuukle comment

HD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with