^

PM Sports

POC binisita ang mga training venues para sa 2024 Paris Olympics

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay pinaplano na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang paghahanda ng mga Pinoy athletes para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Binisita ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kasama ang ilan pang opisyales ang pre-Games training faci-lity para sa mga atleta sa French capital.

Nagsagawa si Tolentino, kasama sina POC deputy secretary general Bones Floro, legal chief Atty. Wharton Chan at manager  Carla Maramara, ng inspeksyon sa mga posibleng maging training venues ng weightlifting, boxing at gymnastics.

“The goal is to have our qualified athletes to be in Paris at least one month before the Olympics,” wika ni Tolentino.

Gusto ng POC chief na mauna sila sa pag­pa­pareser­ba ng mga potensyal na training venues ng nasabing tatlong sports para sa 2024 Paris Olympics.

Ang pag-entra ng mga Pinoy athletes sa weightlifting, boxing at gymnastics events sa Paris Games ang prayoridad ng POC.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with