^

PM Sports

Tropang Giga swak sa 3X3 quarterfinals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinamunuan ng Leg 1 champion na TNT Tropang Giga ang mga umusad sa knockout quarterfinals ng Leg 5 ng PBA 3x3 First Conference Season 2 kahapon sa Robinsons Novaliches.

Pinatumba ng Tropang Giga ang Barangay Ginebra Gin Kings, 21-11, at ang NorthPort Batang Pier, 21-12, para ilista ang 2-0 record sa Pool B.

Nagposte rin ng 2-0 kartada ang Meralco at ang J&T Express papasok sa quarterfinals ngayon.

Kinuryente ng Bolts ang Terrafirma Dyip, 16-12, at ang Pioneer Elastoseal, 21-14, para banderahan ang Pool C.

Pinabagsak naman ng Express ang Platinum Karaoke, 15-10, at ang Purefoods TJ Titans, 21-17, para walisin ang Pool D patungo sa quarterfinals.

Swak din sa quarterfinals ang Ginebra (1-1) sa Pool B, Purefoods (1-1) sa Pool D at ang Pioneer (1-1) sa Pool C.

Apat na koponan ang aabante sa semifinals na magdedetermina sa maglalaban sa finals kung saan nakataya ang premyong P100,000 para sa champion team.

Ang sesegunda ay tatanggap ng P50,000, habang P30,000 ang mapupunta sa tetersera.

vuukle comment

PBA 3X3

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with