^

PM Sports

Kelly Nabong extended sa Blackwater

Pang-masa
Kelly Nabong extended sa Blackwater
Kelly Nabong.

MANILA, Philippines — Matapos lumutang na second leading scorer ng Blackwater sa kanilang kampanya sa Philippine Cup na kasalukuyang nasa semifinals na, walang ibang hakbang ang Bossings kundi bigyan ng contract extension ang Fil-Am na si Kelly Nabong.

Mula sa one-conference contract na ibinigay sa 32-gulang na si Nabong, hinugot ng Blackwater mula sa free-agency, binigyan ang 6-foot-4 forward ng panibagong kontrata na magtatagal hanggang matapos ang  Season 46.

Nag-average si Nabong ng 12.0 points. 9.0 rebounds at 1.3 assists sa kasalukuyang All-Pinoy conference kung saan nasaksihan ang ilang insidenteng nagpakita ito ng kanyang init sa laro.

Bukod sa contract extension, ginastusan din ng Blackwater  ang pagpapa-opera ng injury sa tuhod at ankle ni Nabong.

Dahil minor procedure lamang ito, inaasahang babalik na sa training si Nabong matapos ang dalawang linggo.

Bukod kay Nabong, binigyan din ng contract extension ng Bossing si guard Basser Amer.

 

vuukle comment

KELLY NABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with