^

PM Sports

Pinas nanatili sa Division A ng FIBA Women’s Asia Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinaig ng Gilas Pilipinas women ang India, 74-70, upang mapanatili ang puwesto sa prestihiyosong Division A ng 2021 FIBA Women’s Asia Cup sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan kahapon.

Matapos ang maalat na shooting sa tatlong talo kontra sa China, Australia at Chinese Taipei ay nagliyab din sa wakas sa perpektong pagkakataon ang Gilas Women’s sa pangunguna nina Janine Pontejos at Khate Castillo upang maisalba ang ikapitong puwesto sa re-legation match.

Umiskor ng tig-22 puntos sina Pontejos at Castillo sa likod ng pinagsamang 11 na tres para sa Gilas ng Group B kontra India ng Group A sa 7th-8th classification game upang makaiwas na mahulog sa Division B.

Nagdagdag din ng kumpletong siyam na puntos, 11 rebounds, pitong assists, apat na steals at apat na supalpal si Afril Bernardino para sa koponan ni coach at program director Pat Aquino.

Noong 2019 edition na ginanap sa India ay nakasikwat din ang Gilas ng 92-78 panalo sa parehong relegation match kontra sa host team para manatili sa Division A.

Sa kabuuan ay nagbuslo ng 15 na tres ang Gilas, pito ay galing kay Castillo, na siyang naging susi sa dikit na tagumpay matapos alatin sa China, 143-52, Australia, 120-56, at Chinese Taipei, 93-52, sa Group B.

Samantala, kumpleto na ang Final Four cast ng Asia Cup matapos sikwatin ng South Korea at Australia ang huling dalawang tiket.

Tinalo ng SoKor at Australia ang Chinese Taipei at New Zealand, 80-74 at 72-61, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with