^

PM Sports

Gilas susubok din sa Dominican Republic

John Bryan Ulanday - Pang-masa

Muntik nang masilat ang Serbia

MANILA, Philippines — Matapos muntikang silatin ang powerhouse na Serbia ay ang Dominican Republic naman ang susubukang tibagin ng Gilas Pilipinas ngayon sa pagtatapos ng Group A action sa FIBA Olympic Qualifying Tournament para sa misyong mapanatiling buhay ang pag-asa sa Tokyo Olympics.

Aarangkada ang krus-yal na laban sa alas-2:30 ng umaga (Manila time) sa Aleksandar Nikolic Hall sa Belgrade at ang magwawagi ay aabante sa knockout semifinals ng OQT kontra sa Italy o Puerto Rico ng Group B.

Nakapasok agad sa Final Four ang Group B teams na Italy at Puerto Rico matapos umatras ang Senegal habang swak na rin ang Serbia matapos manguna sa Group A bunsod ng 94-76 at 83-76 panalo kontra sa Dominican Republic at Gilas, ayon sa pagkakasunod.

Sa anim na koponan dito sa Serbia OQT ay isa lang ang mabibigyan ng tiket sa 12-team Olympics kasama ang mga winners sa iba pang OQT sa Croatia, Lithuania at Canada.

Bagama’t nabigyan ng Gilas ng magandang laban ang world No. 5 na Serbia sa sarili nilang homecourt at muntik pang manakaw ang pa-nalo, ayaw makuntento ni coach Tab Baldwin sa  “moral victory” at hangad ang totoong panalo ngayon kontra sa Dominican Republic.

“A lot of people will look at this as some sort of moral victory and I’ve been in this game such a long time. I just don’t believe in those. We had chances late. We missed good open looks,” ani Baldwin. “I was very proud of the effort. I want to play better than we played and I know that we can play better.”

Matapos maiwan ng hanggang 16 puntos, nagising ang Gilas at nasikwat pa ang trangko sa huling tatlong minuto, 74-73, bago tumirik nang maghalimaw sa end-game ang NBA center na si Boban Marjanovic ng Dallas Mavericks.

Kontra sa Dominican Republic na nakasandal sa mahabang pahinga, hindi rin magiging madali ang misyon ng Gilas na wala pa sa 24 oras ang pahinga.

“We’ve got to get ourselves physically ready to play because this is a tough game and it will take a lot out of the players. Both physically and mentally, we’ve got a quick turnaround so it’s not going to be easy,” dagdag ni Baldwin.

Asahang mamuno sa atake ng Gilas sina Ange Kouame (17 puntos), Jordan Heading (13), Kai Sotto (10) at Justine Baltazar (10) na trumangko sa impresibong laban kontra sa Serbia.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with