^

PM Sports

UAAP football hahataw ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalabanan ng National University ang De La Salle-Zobel habang makakatapat ng Ateneo De Manila University ang University of Santo Tomas sa pagbubukas ng UAAP Season 82 juniors football tournament ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Magtutuos ang Bullpups at ang Junior Archers sa ganap na alas-1:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Blue Eaglets, tumapos sa third place sa nakaraang season at Tiger Cubs sa alas-4.

Nakakuha naman ng opening bye ang defending champion na Far Eastern University-Diliman.

Haharapin ng Baby Tamaraws, puntirya ang record na pang-10 sunod na UAAP title, para sa kanilang unang laro ang Tiger Cubs sa Miyerkules sa Malate venue.

Ang lahat ng first round matches ay lalaruin sa Rizal pitch maliban sa Ene-ro 12 kung saan dadalhin ang aksyon sa FEU-Diliman sa pakikipagkita ng Baby Tamaraws kontra sa Bullpups sa rematch ng nakaraang Finals.

Maglalaban ang dalawa sa ganap na alas-4 ng hapon.

Nakamit ng FEU ang kanilang pang-siyam na korona matapos ang 1-0 panalo laban sa NU sa one-game finals noong Pebrero ng 2018.

vuukle comment

UAAP FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with