^

PM Sports

Win no. 4 asam ng Banko Perlas

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pakay ng BanKo na maiposte ang ikaapat na sunod nitong panalo sa kanilang pagharap sa PetroGazz sa pagpapa-tuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang banggaang Perlas Spikers at Gazz Angels ang unang  laro sa second round ng torneo na gaganapin ng alas-6 ng gabi.

Itutuloy din ang hindi pa natatapos na first round tampok ang  harapang Choco Mucho at Air Force sa alas-2 ng hapon at alas-4 naman ang labanang PacificTown-Army at BaliPure.

Gagamiting bentahe ng Perlas Spikers ang huli nitong tagumpay kontra sa BaliPure via five-set thriller 19-25, 25-18, 25-21, 23-25, 15-12 noong nakaraang linggo.

Susubukang ulitin ng BanKo na muling mapadapa ang Gazz Angels sa muli nilang paghaharap gaya ng ginawa nito noong first round sa bisa ng four-set win, 25-20, 11-25, 25-21, 25-18.

Sasandalan muli ng BanKo ang mga bete-rano nito sa pangunguna nina Nicole Tiamzon at Dzi Gervacio kasama sina Kathy Bersola, Jem Ferrer, Sue Roces at Gizelle Tan.

Sa panig naman ng PetroGazz, puntirya nito na masungkit ang ikalimang sunod na panalo at manakaw ang second spot sa standings.

Galing din sa panalo ang Gazz Angels ni coach Arnold Laniog nang walisin nito ang Motolite sa banggaan nila noong Linggo 25-21, 25-16, 28-26.

Babandera para sa PetroGazz sina Paneng Mercado, Jonah Sabete, Djanel Cheng, Cherry Nunag, Jeanette Panaga at Cienne Cruz.

 

vuukle comment

BANKO PERLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with