^

PM Sports

Walang nakahabol sa Boss Emong

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na inangkin ng Boss Emong ang korona sa 11th “Mayor Ramon D. Bagatsing Sr. Three-year-old Open Classic (Local & Imported) noong Linggo ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Hindi nagpaiwan ang second leg Triple Crown ruler na Boss Emong sa imported horse na Will To Win sa largahan.

Kinapitan ng Boss Emong ang bumanderang Will To Win hanggang sa far turn pero kumuha na ng unahan ang winning horse papasok ng home stretch.

Hinawakan agad ng Boss Emong ang dalawang kabayong bentahe sa Will To Win sa rektahan at hindi na ito naabutan.

Pagtawid ng meta ay limang kabayo ang lamang ng Boss Emong na pag-aari ni Edward Diokno kay Will To Win, inirehistro nito ang 1:34 minuto sa 1,500 meter race.

“May tulin naman si Boss Emong kaya hindi ko hinayaang makalayo si Will To Win para madaling umagaw ng unahan,” ani former Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the year Jonathan Hernandez.

Terserong dumating ang The Accountant habang pang-apat ang Phenomenal sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Samantala, bumanderang tapos ang Magnolia Yana sa F.R. Sevilla Industrial & Dev’t Corp. Cup na pinasibat sa Race 7.

Sa sobrang tulin ng arangkada ay walang nakadikit sa Magnolia Yana kaya nakalamang agad ito ng tatlong kabayo sa far turn.

Pagsapit ng rektahan ay umabot sa siyam na kabayo ang lamang nito kaya kampante ang hinete nitong si apprentice PM Cabalejo.

Nilista ng Magnolia Yana ang 1:29.8 tiyempo sa 1,400 metero.

BOSS EMONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with