^

PM Sports

Kabado pa si Manilla Santos-Ng

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Kabado pa si Manilla Santos-Ng
Manilla Santos-Ng

MANILA, Philippines — Isang dekada nang hu-ling tumapak sa volleyball court ng The Arena sa San Juan City ang legendary spiker na si Manilla Santos-Ng at sa muli niyang paglalaro, magkahalong pananabik at kaba ang kanyang nadama.

Nag-debut sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference si Santos-Ng sa ilalim ng Choco Mucho Flying Titans nitong Miyerkules kung saan tumapos ito ng dalawang puntos.

Huling naglaro sa The Arena si Santos-Ng noong Marso 2009 sa Finals ng UAAP season 71 women’s volleyball kung saan pinadapa nito ang Far Eastern University ni Rachel Ann Daquis para nakawin ang korona nito.

Sa muli niyang pagtungtong sa parehong ve-nue kung saan huli siyang nag-kampeon, inamin nito na nanibago siya ng bahagya pero masaya siyang magkaroon ng tsansa na makapaglaro ulit.

“Same venue 10 years ago, wala parang it feels so good to be back lang, I really can’t believe na na-kabalik ako na maglaro, I was given this opportunity to play again super happy,” sabi ni Santos-Ng.

Hindi biro ang 10 taong hindi paglalaro, kaya’t ng pinasok siya sa second set ng laro kontra BaliPure inamin niya na kinabahan siya pero agad bumalik ang kumpiyansa niya ng pumasok ang kanyang serve.

“Sa totoo lang super excited ako to play and the same may kaba, kasi its been a long time,” dagdag niya.

vuukle comment

MANILLA SANTOS-NG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with