^

PM Sports

Fiola Ceballos nagbida para sa Generika-Ayala

Pang-masa
Fiola Ceballos nagbida para sa Generika-Ayala

MANILA, Philippines — Isa si Fiola Ceballos sa mga uminit para tulu-ngan ang Generika-Ayala Lifesavers na maalpasan ang pahirap na binigay ng Cignal HD Spikers sa five-set thriller nitong Sabado.

Kasabay ng pagkawala ng kapitana na sina Angeli Araneta dahil sa injury nito sa kaliwang tuhod, si Ceballos ang nanguna para buhatin ang Lifesavers sa ikawalo nitong panalo sa torneo.

Umariba ang tubong Iloilo ng double-double finish na 30 puntos sa likod ng 25 attacks, tatlong blocks at dalawang aces kabilang na ang 30 excellent digs pero para sa kanya ay maliit na bagay  ito.

“I’m just playing my game kasi nga wala si Neta [Angeli Araneta]. So, ‘yun nga sabi ni coach [Shewin Meneses], dapat may mag step-up talaga inside the court,” sabi ni Ceballos.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpamalas ng kakaibang angas ang produkto ng Central Philippine University (CPU) kung saan din galing si Jovelyn Gonzaga para pangunahan ang tropa sa iba pa nitong laban.

“Siguro ginagawa ko lang rin yung dapat gawin. ‘Yung mindset ko lang ay dapat maka-receive at paluin yung bola para maka-score,” dagdag niya.

Hanga rin si Lifesa-vers head coach Sherwin Meneses sa dedikasyon at sipag na pinapakita ng kanyang ace player sa torneong ito at nagbubunga naman ito.

“Talagang napakaganda ng nilalaro niya tapos talagang masipag e, buti nagbunga yung sipag niya,” ani Meneses. Fergus E. Josue, Jr.

 

 

vuukle comment

FIOLA CEBALLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with