^

PM Sports

Akari-Adamson sure na sa playoffs

Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak na rin sa playoffs ang Akari-Adamson matapos ibaon ang Wangs Basketball- Letran, 90-71 sa umiinit na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nasa unahan lamang ng isang puntos, 36-35 papasok ng halftime, sumakay ang Akari sa mainit na kamay ni Sean Manganti sa ikatlong kanto kung saan tuluyan na nilang pinagpag ang palaban na Wangs, 61-43.

Hindi na bumitiw pa sa manibela ang Akari buhat noon tungo sa 7-2 kartada na nagtulak nga sa kanila papasok sa playoffs.

Bunsod nito, ang Akari ang ikalawang koponan na nakasungkit ng puwesto sa playoffs kasunod ng Centro Escolar University at may tsansa pang makubra rin ang isa sa dalawang ti-ket sa  semi-finals papasok sa huling dalawang laro ng eliminasyon.

Dagdag pa, umakbay din ang Akari-Adamson (7-2) sa Scorpions (7-2) sa tuktok ng team standings matapos nga ang pagkatalo ng CEU sa naunang laro.

Sa kabilang kampo, nagbuslo naman ng 20 at 12 puntos sina Rey Publico at Jeo Ambohot, ayon sa pagkakasunod para sa Wangs na bahagyang bu-maba sa ikalimang puwesto tangan ang 5-3 baraha.

Sa unang laro, ginimbal ng Gamboa-St. Clare ang lider na CEU, 100-83 upang mahigpitan ang kapit sa ikaanim at hu-ling puwesto na maaaring makapasok sa playoffs.

Sinamantala ng Coffee Lovers ang pagkawala ng Congolese import na si Rod Ebondo sa ikalawang kanto kung saan sila uma-lagwa, 51-32 tungo sa kumbinsidong panalo.

Kumambyo ng 19 at 18 puntos sina Chris Bitoon at Trevis Jackson para sa Gamboa na nabingwit ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay tungo sa 5-3 rekord.

Naabutan na ng Akari-Adamson sa unahan ang Centro Escolar University na kapwa tangan ang 7-2 kartada papasok sa dulong bahagi ng 12-koponang liga. (AD)

vuukle comment

AKARI-ADAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with