Team Kramer tatakbo rin sa Tempra Family Run vs Dengue
MANILA, Philippines - Ang sikat na Team Kramer nina pro cager Doug Kramer at actress Cheska Garcia kasama ang kanilang mga anak ang magiging bisita sa 2015 Run Against Dengue Family Run sa Sabado sa Quirino Grandstand.
Ang Team Kramer, kinabibilangan ng mga batang sina Kendra, Scarlett at Gavin, ang pinakabagong Tempra endorsers na inaasahang magdadagdag ng kasiyahan sa advocacy run na may nakalatag na 5k, 3k, 2k Family Run (anumang kombinasyon ng pa-rent-kid/s) at 1K Kids Run.
Maaaring magpatala sa SM Manila Toby’s branch at sa Rizal Park Administration office.
Ang mga interesado ay puwedeng tumawag sa Subterranean Ideas sa 504-5990 (landline), 09179790803 (Globe) o sa 0928-2618028 (Smart) para sa detalye.
Ang advocacy run, suportado ng Philippine Cha-rity Sweepstakes Office, Bonamine, Tempracof, Deuter, Toby’s, Medicard, Guard Insect Repellent, Goldlife, Maynilad, Emilio Aguinaldo College, Colegio De La Immaculada Concepcion (Concordia) at media partner Malaya Business Insight, ay isang social marketing collaboration ng mga stakeholders mula sa private sector, government at NGOs.
Sa pagkalat ng nakamamatay na dengue disease, idaraos ng Tempra ang fun run na may nakahanay na raffle prizes kagaya ng mountain bikes, tablets at phones at SM gift cheques at iba pang giveaways.
Ang mga partisipante ay maaari lamang magdala ng basyo ng Tempra wrappers at blister packs para makakuha ng discounts at makasali sa raffle.
- Latest