^

PM Sports

‘Di na pakakawalan ng SBC Red Lions ang pagkakataon

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa harapan na nila ang pagkakataon at inaasa-hang hindi na ito pakakawalan ng five-peat cham-pions na Red Lions.

Target ang awtomatikong pagpasok sa Final Four at ang pagbitbit sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive, lalabanan ng San Beda College ang Arellano University ngayong alas-4 ng hapon sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nanggaling ang Red Lions sa 75-65 paggupo sa Mapua Cardinals noong nakaraang Biyernes para makasosyo ang Letran Knights sa liderato sa magkatulad nilang 12-4 records.

Ang panalo laban sa Chiefs ang magpapasok sa Mendiola-based team sa kanilang pang-10 sunod na Final Four appearance kasabay ng pag-angkin sa ‘twice-to-beat’ incentive.

Kaya naman hangga’t maaari ay ayaw na ni rookie coach Jamike Jarin na pakawalan ng San Beda ang pagkakataon.

“If we can get it now, there’s no reason to wait so we’ll definitely go for it the first chance,” wika ni Jarin, muling sasandal kina pro-bound Arthur Dela Cruz at Baser Amer katuwang si 6-foot-8 Nigerian import Ola Adeogun.

Kung hindi nila ito magagawa ay may pagkaka-taon pa rin sila sa pagharap sa Knights sa susunod na Martes sa huli nilang asignatura sa eliminasyon.

Tinalo ng Arellano ang San Beda, 88-84 sa first round noong Agosto 18 sa rematch ng kanilang title series na winalis ng Red Lions, 2-0.

Hangad naman ng Chiefs na buhayin ang kanilang tsansa sa isang playoff para sa Final Four.

Sa unang laro sa alas-2 ay magtatagpo ang mga sibak nang Lyceum Pirates at St. Benilde Blazers sa isang ‘no-bearing’ game.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

ARTHUR DELA CRUZ

BASER AMER

FINAL FOUR

JAMIKE JARIN

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

RED LIONS

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with