Knicks, Nuggets puro na sa Conference finals
NEW YORK — Nagpasabog si Jalen Brunson ng 44 points para banderahan ang Knicks sa 121-91 pagresbak sa Indiana Pacers sa Game Five at kunin ang 3-2 lead sa Eastern Conference semifinals series.
Nagtala si Josh Hart ng 18 points at 11 rebounds habang may 17 markers si Deuce McBride para sa paglapit ng New York sa unang Eastern Conference finals sapul noong 2000.
Umiskor si Alec Burks ng 18 points mula sa bench at humakot si Isaiah Hartenstein ng 7 points at 17 rebounds.
Pinamunuan ni Pascal Siakam ang Indiana sa kanyang 22 points habang may 16 at 13 markers sina Myles Turner at Tyrese Haliburton, ayon sa pagkakasunod.
Mula sa 38-32 abante sa first period ay umarangkada ang Knicks para ibaon ang Pacers sa 89-64 sa third quarter sa pagbibida ni Brunson.
Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 40 points, 13 assists at 7 rebounds sa 112-97 panalo ng nagdedepensang Nuggets sa Minnesota Timberwolves sa Game Five at angkinin ang 3-2 lead sa Western Conference semifinals series.
Bago ang laro ay tinanggap ni Jokic ang kanyang ikatlong NBA MVP trophy.
Nagdagdag si Aaron Gordon ng 18 points at 10 boards at may 16 markers si Jamal Murray para sa Denver na lumapit sa Western Conference finals.
Tumipa si Karl Anthony-Towns ng 23 points sa panig ng Minnesota kasunod ang tig-18 markers nina Anthony Edwards at Rudy Gobert.
- Latest