^

PM Sports

UAAP crown sinakmal ng Lady Bulldogs

Nilda Moreno - Pang-masa
UAAP crown sinakmal ng Lady Bulldogs
Nagbunyi ang NU Lady Bulldogs makaraang sikwatin ang ikatlong sunod na korrona sa UAAP Season 86 women’s volleybal tournament .
UAAP photo

MANILA, Philippines — Nasungkit ng National University Lady Bulldogs ang korona matapos nilang lapain ang University of Santo Tomas Golden Tigresses, 25-23, 23-25, 27-25, 25-16 sa Game 2 ng kanilang best-of-three UAAP Season 86 women’s volleyball tournament finals na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi. 

Nagsanib puwersa sa opensa ni Season 86 MVP Bella Belen at Alyssa Jae Solomon upang itaguyod ang Lady Bulldogs sa inaasam na kampeonato at pangalawa sa loob ng tatlong taon.

Bakbakan ang dalawang koponan sa unang dalawang set, parehong may tig-isang panalo papasok sa third frame.

Buo naman ang loob ng Lady Bulldogs sa set three, lubog sila ng apat na puntos, sa Golden Tigresses, 8-12 pero gumapang ang Katipunan-based squad upang makuha ang panalo at makalamang ng isang set.

Maagang kumuha ng malaking bentahe ang NU sa set four, hinawakan nila ang five-point lead 9-4 at inala­gaan na lamang nila ang kanilang bentahe hanggang sa matapos ang laro at pormal na masungkit ang titulo.

Pangalawang MVP na ng 5-foot-7 spiker na si  Belen mula sa Quezon City sa loob ng tatlong taon, una noong Season 84 kung saan ay nakagawa din siya ng history sa UAAP women’s volleyball.

Nasungkit ng 21-anyso na si  Belen ang Rookie-MVP sa Season 84 at siya ang kauna-unahang nakagawa sa nasabing liga.

Nakalikom si Belen ng 82.2 statistical points sapat upang mahablot ang pinakamataas na indi­vidual award, pang pito siya sa scoring sa liga sa itinalang 205 points, mula sa 179 attacks, 15 blocks at 11 service aces.

Samantala, sinakmal ng NU Bulldogs ang four-peat matapos nilang kalusin ang UST Golden Spikers, 25-21, 22-25, 25-17, 25-15 sa Game Two ng best-of-three men’s finals.

 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with