^

PM Sports

Sotto tuloy sa NBA dream

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi bumibitiw si Kai Sotto sa pangarap nitong makapaglaro sa NBA.

Sa katunayan, nakatakda itong magpartisipa sa NBA mini camps sa Amerika sa pag-asang matupad ang nais nitong  makapaglaro sa NBA.

Wala pang eksaktong detalye kung kailan at saang team ito magpapartisipa.

Sinabi ni Wasserman Sports executive Tony Ronzone na pinaplantsa pa ang lahat upang makakuha ng pagkakataon ang 7-foot-3 Pinoy cager na muling maipamalas ang kanyang husay sa harap ng mga NBA coaches at trainers.

Si Ronzone ang na­ngangalaga sa basketball career ni Sotto.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Sotto matapos ang kampanya nito sa Yokohama B-Corsairs sa Japan B.League.

Nakapanood pa ito ng UAAP Season 86 wo­men’s volleyball finals sa pagitan ng National University at University of Santo Tomas noong Miyerkules sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos ang ilang araw na pahinga, agad na tutulak si Sotto sa Amerika para sumailalim sa training camp para masigurong nasa magandang kundis­yon ito bago sumabak sa NBA mini camps.  

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with