^

PM Sports

Alyssa balik na sa dating porma

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbalik na ang inaasahang laro mula kay Alyssa Valdez nang bitbitin niya ang Ateneo Lady Eagles sa 23-25,18-25, 25-8, 25-20 , 15-10 panalo laban sa St. Benilde Lady Blazers sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pumasok sa labanan na isang beses lamang natalo sa set, kinailangang ilabas ng Lady Eagles ang laro ng isang back-to-back UAAP champion para mapigilan ang upset na hatid sana ng Lady Blazers para maisulong sa 4-0 ang karta sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

“Marami sa amin ay may injuries at nagiging distraction din ito sa team. Pero andoon naman si coach Tai (Bundit) para gabayan kami at ang teamwork namin. Iyon lang naman talaga,” wika ni Valdez na nagpakawala ng conference high na 32 puntos.

May 26 attack points siya para tulungan ang koponan sa 50-40 kalamangan, at may limang aces pa tungo sa dominating 13-4 bentahe sa departamento.

Anim na puntos ang ibinagsak ni Valdez sa deciding fifth set kasama ang apat na sunod na puntos upang ang 4-5 iskor ay naging 9-5 kalamangan.

Si Bea De Leon na magdiriwang ng kanyang kaa-rawan ngayon, ay mayroong 11 puntos, tampok ang tig-tatlong blocks at aces, habang ang setter na si Gizelle Tan ay tumapos taglay ang 32 excellent sets.

May 17 at 14 puntos sina Jeanette Panaga at Jannine Navarro para sa Lady Blazers na hindi naipagpatuloy ang magandang panimula para matalo sa ikalawang sunod na laro tungo sa 2-2 karta.

Sinaluhan naman ng Arellano Lady Chiefs ang FEU Lady Tamaraws sa quarterfinals sa Group A sa 25-4, 25-23,25-16 tagumpay sa University of Batangas Mighty Brahmans sa ikalawang laro.

Sina Cristine Joy Rosario at Menchie Tubiera ay may 12 at 10 puntos habang walong iba pa ang pumuntos para sa balanseng pag-atake tungo sa kanilang  3-1 karta.

Sibak na ang UB dahil sa kanilang 4-talo.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

COLLEGIATE CONFERENCE

GIZELLE TAN

GROUP A

GROUP B

HOME ULTERA

JANNINE NAVARRO

LADY BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with