^

PM Sports

Tiu-Hingpit, Tan-Soriano pasok sa semis

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan ay pinitas ng Cignal HD Spikers B at ng Foton Hurricane ang dalawang semifinal tickets sa PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na pinalakas ng Smart Live More kahapon sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.

Nahinto ang laro ng halos 20 minuto dahil sa ma­lakas na pag-ulan na hindi naman nakaapekto kina Wensh Tiu at April Ross Hingpit ng HD Spi­kers B nang kunin ang 21-14, 21-18 panalo kina Cebuana veteran Jusabelle Brillo at UST standout Jem Gutierrez ng Meralco.

Pinatumba naman nina Bea Tan at Pau Soriano ng Foton Hurricane sina Gretchen Ho at Charo Soriano ng Petron XCS, 21-12, 18-21, 15-7, sa tor­­neong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Senoh, Sands By the Bay at Maynilad.

Lalabanan ng HD Spikers B ang mananalo sa pa­gitan ng Amy’s at Gilligan’s, habang haharapin ng Foton Hurricane ang mananaig sa Foton Tornadoes at Philips Gold na nakatakda kahapon.

Inupuan naman ng Petron Sprint 4T ang ninth place nang talunin ang Accel Quantum Plus Perpe­tual Molino A, 21-14, 21-5 at sinikwat ng Benguet Electric Cooperative ang 11th place matapos daigin ang Accel Quantum Plus Perpetual Molino B, 21-8, 21-9.

Sa men’s division, paglalabanan ng SM By the Bay A at Champion Infinity B ang korona nang ma­naig sa kanilang mga karibal sa semifinals.

Binigo nina Cebuano Jade Becaldo at Hacha­liah Gilbuena ng SM By the Bay A ang Centerstage, 21-13, 21-16 samantalang pinatumba ng Champion Infinity B ang Cignal HD Spikers A, 21-23, 22-20, 15-10.

Tinalo naman ng Cignal HD Spikers B ang Champion Infinity A, 21-17, 15-21, 16-14, para sa fifth place, habang pinabagsak ng IEM ang Per­petual Molino A, 21-16, 21-8 para sa seventh place.

vuukle comment

ACCEL QUANTUM PLUS PERPE

ACIRC

ANG

BY THE BAY A

CHAMPION INFINITY B

CIGNAL

FOTON HURRICANE

MOLINO A

SANDS BY THE BAY

SHY

SPIKERS B

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with