^

PM Sports

Puwestuhan sa quarterfinals

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa bisa ng kanilang dalawang panalo sa pagbubukas ng torneo noong nakaraang Sabado, tanging sina Wensh Tiu at April Ross Hingpit ng Cignal HD Spi-kers B ang nakapasok sa quarterfinals sa women’s division ng  PLDT Home Ultera-Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015.

Nakatakdang pag-agawan ng Gilligan’s at Foton Hurricane ang isang quarterfinal slot ngayong ala-1 ng hapon sa SM By the Sands sa SM Mall of Asia.

Makakatapat nina Danica Gendrauli at Norie Diaz ng Gilligan’s sina Pau Soriano at Bea Tan ng Foton Hurricane sa torneong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By the Bay at Maynilad.

Nagposte ang Gilligan’s ng 21-19, 21-14 panalo laban kina Cha Cruz at Michelle Laborte ng Cignal HD Spi-kers A noong nakaraang Sabado.

Makakasagupa naman nina Gretchen Ho at Charo Soriano ng Petron XCS sina Aurora Tripoli at Rochet Dela Paz ng Accel Quantum Plus B Perpetual Molino sa alas-2:30 ng hapon, habang sasagupain nina Fil-Am Alexa Micek at Fille Cayetano ng Petron Sprint 4T sina Cruz at Laborte ng Cignal HD Spikers A sa alas-3:20.

Hangad din nina Aileen Abuel at Rossan Fajardo ng Philips Gold ang quarterfinals berth sa pagharap kina Samantha Dawson at Len Cortel ng Amy’s kasunod ang laro nina Jusabelle Brillo at Jem Guttierez ng Meralco kontra kina Patty Orendain at Fiola Ceballos ng Foton Tornadoes sa alas-4:40.

Sa men’s division, makakabangga ng Perpetual Molino A ang SM By the Bay B sa alas-7:30 ng umaga, habang lalabanan ng Centerstage ang Champion Infinity A sa alas-8:20.

Sa alas-9 ng umaga maglalaban ang Perpetual Molino B at ang Champion Infinity B kasunod ang salpukan ng SM By the Bay A at Cignal HD Spikers B sa alas-9:40.

vuukle comment

ACCEL QUANTUM PLUS B PERPETUAL MOLINO

AILEEN ABUEL

ALAS

ANG

APRIL ROSS HINGPIT

AURORA TRIPOLI

BEA TAN

BY THE BAY A

CIGNAL

FOTON HURRICANE

GILLIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with