Manny iiwas sa interview
MANILA, Philippines - Nasa huling bahagi na ng kanyang pagsasanay si Manny Pacquiao para sa kanilang mega showdown ni Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2.
Kaya naman simula ngayong araw ay isasara na sa mga fans ang training room ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood.
Sinabi ng Filipino world eight-division champion sa panayam ng The Times na plano niyang mag-focus sa kanilang laban ni Mayweather.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanyang mga workout interviews sa mga reporters hanggang sa pagsapit ng kanyang April 15 media day.
“You have to focus without interruption after your activities of jogging, training. I don’t want to focus on anything other than boxing,” sabi ni Pacquiao matapos ang kanyang workout.”
“I’m not complaining about interviews. They help us promote the fight and help the people know what’s happening in the camps. This is just the first time I’m asking for time to focus. There’s something I need to achieve in this camp, especially mentally,” dagdag pa ni ‘Pacman’.
Gusto ng 36-anyos na si Pacquiao na handang-handa na siya bago magtungo sa Las Vegas, Nevada sa huling linggo ng Abril.
Walang ibang nasa isip si Pacquiao kundi ang talunin si Mayweather.
“I’m coming to the ring to win the fight and bring honor to my country,” wika ni Pacquiao. (Russell Cadayona)
- Latest