^

PM Sports

Cebuana magpapalakas sa No. 4 spot

Pang-masa

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Cebuana Lhuillier Gems ang paghahabol sa ikaapat na puwesto sa susunod na yugto sa pagharap sa Bread Story/LPU Pirates sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikaanim na panalo matapos ang 10 laro ang makukuha ng Gems upang pantayan ang nasa ikaapat na puwesto sa team standings na Jumbo Plastic Giants (6-4) kung mananalo sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Kung mangyayari ito, maiaabante ng tropa ni coach David Zamar ang isang paa sa mahalagang puwesto na magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals dahil ang Gems ang kukuha ng upuan kung magtatabla sila ng Giants sa pagtatapos ng elimination bunga ng panalong naitala sa naunang pagtutuos.

Galing ang Gems sa 85-62 pagdurog sa Wangs Basketball para opisyal na makapasok sa quarterfinals.

“Sana ay hindi makontento ang mga players sa naabot namin. Nasa amin ang aming kapalaran at sana ay hindi nila sa-yangin ang oportunidad,” wika ni Zamar.

Kailangang pumukpok ang Gems dahil nangangailangan din ang Pirates na manalo para gumanda ang tsansang makaiwas sa maagang bakasyon.

May 4-5 baraha ang Pirates at nasa krusyal na ikaanim na puwesto ngunit nagbabadya pa ang Tanduay Light Rhum Masters na agawin ang puwesto dahil kalahating laro lamang sila napag-iiwanan sa 4-6 baraha.

Kalaro ngayon ng tropa ni coach Lawrence Chongson ang AMA University Titans sa third game sa dakong alas-4 ng hapon.

Kung matatalo ang Rhum Masters at manalo ang Pirates ay tuluyan nang makukumpleto ang mga maglalaro sa quarterfinals.

Ang Café France Bakers at Wangs Basketball ang magkikita dakong alas-2 ng hapon at pakay na lamang ng Bakers ang magkaroon ng momentum papasok sa quarterfinals.

Sa 8-2 baraha, ang Bakers ang may tangan sa ikatlong puwesto. (AT)

 

vuukle comment

ANG CAF

BREAD STORY

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

DAVID ZAMAR

FRANCE BAKERS

JUMBO PLASTIC GIANTS

LAWRENCE CHONGSON

RHUM MASTERS

WANGS BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with