^

PM Sports

Swak sa Gilas ang 2014-2015 PBA calendar

NB - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Olympic qualifier na 2015 FIBA Asia Championship ay nakatakda sa  Sept. 23 to Oct. 3 sa Wuhan, China at kung sinuman ang itatalagang bagong Gilas Pilipinas head coach ay magkakaroon lamang ng dalawang buwan para ihanda ang national team base sa ginawang pagbabago sa PBA Season 40 calendar.

Bago pa man i-release ng FIBA Asia ang schedule, nagdesisyon na ang PBA board of governors sa kanilang huling meeting na baguhin ang format kabilang ang pagpapaiksi ng best-of-seven semifinals ng tatlong conferences sa best-of-five na lamang.

Binawasan na rin ng PBA board ang mga conference breaks kaya ang PBA Season 40 ay matatapos sa July 20 hanggang 25 na mas maaga sa original target na Aug. 15.

Pormal na inihayag ng PBA board ang pagbabago dahil ia-announce na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang bagong Gilas Pilipinas coach.

Base sa criteria na ginawa ng SBP nominating and screening committee, ang dalawang maaaring pinagpipilian ay sina Tab Baldwin at Jong Uichico na inaasahang ihahayag ng SBP president na si Manny V. Pangilinan bago mag-Pasko.

“We may no longer need to again revisit our calendar with the schedule announced by FIBA Asia,” sabi ng isang PBA board member.

Ang revised PBA calendar ay hindi rin maaapektuhan ng 2015 Williams Jones Cup na nakatakda sa Aug. 29- Sept. 6 sa Taipei.

Hindi nakasali ang Pinas sa Jones Cup ng dalawang taon. Noong 2013, binawi ng Jones Cup organizers ang imbitasyon sa Gilas Pilipinas dahil sa nangyaring pamamaril sa dalawang Taiwanese fisherman sa pinag-aagawang teritoryo sa Batanes. Sa taong ito, tinanggihan ng Gilas ang imbitasyon dahil mas pinili ni dating national coach Chot Reyes na magsanay para sa World Cup sa US at Europe.  

 

vuukle comment

ANG OLYMPIC

ASIA CHAMPIONSHIP

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

JONG UICHICO

MANNY V

PBA

SAMAHANG BASKETBOL

TAB BALDWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with