^

PM Sports

Bersamina nakisalo sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakasalo si FIDE Master Paulo Ber-samina sa unang puwesto sa nagdedepensang kampeong si  IM Srinath Narayanan ng India  matapos talunin si candidate Master Marc Christian Nazario  sa 2014 Asian Juniors and Girls Chess Championships na kasalukuyang idinaraos sa Tagaytay International Convention Center.

Gumamit si Bersamina ng Queen’s Pawn Opening hawak ang mga puting piyesa, upang pasukuin si Nazario matapos ang 31 moves na nagsulong sa kanya sa 2-0 sa Open division na bukas para sa mga 20-anyos pababa na chess players.

Ang top seed na si Narayan na may Ello rating na 2461 ay nanaig naman kay FM Sumiya Biguun para hawakan din ang 2-0 karta.

Naka-draw  ang second seed IM na si Jan Emmanuel Garcia kay Haque Siam Ikramul ng Bangladesh para sa 1.5 puntos upang makatabla ang tinalong manlalaro at si Ne-palese Bibek Thing.

Si Thing ay tumabla kay Daryl Unix Samantila.

Sa girls division, pina-bagsak ni Kazakh WFM Sholpan Zhylkaidarova si WFM Marie Antoinette San Diego para sa 2-0 baraha at saluhan si Indian WFM Ruchu Pujari na tinalo si WFM Shania Mae Mendoza.

Nagtabla sina Indian players PV Nandhidhaa at J Saranya para magkaron ng 1.5 puntos tulad ni top seed WIM Maria Furtado na pinataob si Jerly Mae San Diego.

Ang ikatlong round sa nine-round tournament ay nilalaro pa habang isinusulat ang balitang ito.

vuukle comment

ASIAN JUNIORS AND GIRLS CHESS CHAMPIONSHIPS

BIBEK THING

DARYL UNIX SAMANTILA

HAQUE SIAM IKRAMUL

J SARANYA

JAN EMMANUEL GARCIA

JERLY MAE SAN DIEGO

MARIA FURTADO

MARIE ANTOINETTE SAN DIEGO

MASTER MARC CHRISTIAN NAZARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with