^

PM Sports

Nag-iingay na ang Team Algieri

AC - Pang-masa

MACAU – Habang papalapit ang laban ay lalong nag-iingay ang Team Algieri.

Sa kanilang final press conference noong Huwebes ng gabi ay nagproklama na ang grupo ni Chris Algieri ng tagumpay laban kay Filipino champion Manny Pacquiao para sa kanilang upakan sa Linggo sa Cotai Arena.

Ipinakilala ni Bob Arum ang trainer ni Algieri na si Tim Lane at sinabi nitong “Welcome to the Chris Algieri show.”

Nangako si Lane, nakilala si Algieri bilang isang kickboxer halos 15 taon na ang nakakalipas, ng “great show” mula sa kanyang unbeaten fighter sa paghahamon kay Pacquiao.

“And you will go Al-Gie-Ri! Al-Gie-Ri! Al-Gie-Ri!” sabi ni Lane.

Ngunit halos walang naging reaksyon ang mga boxing fans na dumalo sa press conference dahil anuman ang sabihin ng kampo ng Team Algieri, ito pa rin ay isang Manny Pacquiao show.

Si Pacquiao ang tumatayong heavy favorite.

Ayon sa mga oddsmakers, ang tayang $14,000 kay Pacquiao ay magbibigay ng $100.

Sinabi naman ng isa pang trainer ni Algieri na si Keith Trimble na gugulatin ng kanyang boksingero ang buong mundo sa sandaling talunin nito si Pacquiao.

Sa laban ni Algieri kay Ruslan Provodnikov noong Hunyo ay sinabi ni Trimble na si Algieri ay hindi binigyan ng anumang pagkaka-taong manalo.

Bumangon si Algieri mula sa dalawang pagkakabagsak sa opening round para talunin ang Russian boxer.

“And in November 23, Chris will once again be victorious, remain undefeated, at 21-0, and will become the new WBO welterweight world champion,” prediksyon ni Trimble.

Nakaupo naman malapit sa podium ang trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach at wala ring naging reaksyon sa mga pahayag ng Team Algieri.

Halos ayaw nang bitawan ng promoter ni Algieri na si Joe DeGuardia ang mikropono at binalak pang ikuwento ang naging kabataan ni Algieri nang pumasok sa kanyang opisina.

“I was impressed with everything he was outside the ring. He’s always a winner. He’s a winner in everything, in his studies, in kickboxing and in boxing,” sabi nito.

 

vuukle comment

AL-GIE-RI

ALGIERI

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

FREDDIE ROACH

PACQUIAO

TEAM ALGIERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with