^

PM Sports

Kumamada si Lillard sa panalo ng Portland

Pang-masa

DENVER – Tumipa si Damian Lillard ng 27 points at naglista ng season-high na 9 assists para pamunuan ang Portland Trail Blazers sa 130-113 panalo laban sa Denver.

Umiskor ang Blazers ng 84 points sa first half, isang basket lamang ang agwat para mapantayan ang team record para sa isang yugto (86) na ipinoste ng Golden State noong Enero 5, 1986.

Walang ipinakitang kapaguran ang Portland laban sa Denver bagama’t nanggaling sa pagbangon mula sa 23-point deficit para talunin ang Charlotte sa huli nilang laro.

Nagtala si Robin Lopez ng 15 sa kanyang 19 points sa first half, habang tumapos si LaMarcus Aldridge na may 12 points.

Si Aldridge ay may ave-rage na 28.3 points kontra sa Nuggets noong nakaraang season at nakapagposte ng career-high na  44 points sa isa nilang laro.

Sa Miami, kumamada si Chris Copeland ng 17 points at inilagay ang Indiana sa unahan mula sa kanyang layup sa huling 43 segundo, habang nagdagdag si Roy Hibbert ng 16 points at 15 rebounds para tulungan ang Pacers sa 81-75 paggiba sa Heat.

“Sometimes that’s what it’s about, let our defense win it for us,’’ sabi ni Copeland.  “I think we made their shots difficult and sometimes on the road it’s not pretty.’’

Nag-ambag si Donald Sloan ng 15 points para sa Pacers, nakamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 1-6 start.

Dinomina ng Indiana, natalo sa Miami sa playoffs sa nakaraang tatlong seasons, ang Heat sa rebounding, 53-28.

Malamya rin ang fieldgoal shooting ng Miami sa kabila ng kaluwagan sa depensa ng Indiana. Naimintis ng Heat ang 10 sa kanilang 18 free throws.

“You have to figure out a way to pull a few of these games out throughout the year,’’ wika ni Miami star Dwyane Wade, tumapos na may game-high na 20 points. “We didn’t do that tonight, but hopefully next time we’re in this situation we learn from tonight and we figure out a way.’’

 

vuukle comment

CHRIS COPELAND

DAMIAN LILLARD

DONALD SLOAN

DWYANE WADE

GOLDEN STATE

POINTS

PORTLAND TRAIL BLAZERS

ROBIN LOPEZ

ROY HIBBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with