^

PM Sports

Naghihintay ang PSC sa sagot ng Clark

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hanggang sa katapusan ng taon lamang maghihintay ang PSC patungkol sa hinihinging lupa sa Clark para mapagtayuan ng bagong training center.

Sa panayam kay PSC chairman Ricardo Garcia, sinabi niyang nakausap na niya si POC president Jose Cojuangco Jr. at naipaalam ang bagay na ito dahil maraming oras ang masasayang kung hindi magkakaroon ng pirmahan para sa hinihinging 50 ektar-yang lupa.

“I can’t keep on waiting. I have to move forward,” wika ni Garcia.

Ang lupa ay pag-aari ng Clark International Airport Corporation na nasa pamamahala ng pa-ngulo at CEO na si Emigdio ‘Dino’ Tanjuatco.

“Sumulat na ako sa Clark ng aming intent but nothing is signed yet. Hopefully, may mangyari. If there is nothing positive by the end of the year, then, we just have to make the  most out of Rizal Memorial Sports Complex. Aayusin na lang namin ang mga facilities dito,” pahayag pa ni chairman.

Itinutulak ng PSC at POC ang makapagpatayo ng bagong training center para mas maging maayos ang pagsasanay ng mga atleta.

Luma na ang pasilidad sa RMSC at puno na ng polusyon na nakakasira sa paghahanda ng mga panlabang atleta sa malala-king kompetisyon.

Nabisita na ni Garcia ang lugar sa Clark at pasado ito sa kanyang panlasa para maging training center.

“Ideal talaga ang lugar dahil talagang makakapagsanay nang husto ang mga atleta. Kung magkaroon na ng pirmahan ay makakagalaw na kami. Kung di man mabenta ang RMSC,  puwede kaming lumapit sa private sectors para humi-ngi ng tulong sa pagpapatayo ng facilities. Pero ang lahat ng ito ay masisimulan lang kung mayroong lupa,” sabi pa ni Garcia. (AT)

vuukle comment

AAYUSIN

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT CORPORATION

DINO

EMIGDIO

GARCIA

HANGGANG

JOSE COJUANGCO JR.

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with