^

PM Sports

IEM Spikers nagpakitang-gilas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinalaga ng Instituto Estetico Manila Volley Masters ang sarili bilang team-to-beat sa kalalakihan nang kalusin ang Systema Active Smashers, 25-23, 22-25, 25-21, 25-21 sa pagtatapos ng elimination round ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Kinulang ng apat na minuto ang labanan para umabot ng dalawang oras at buong giting na hinarap ng Volley Masters ang matinding hamon ng Active Smashers para kunin ang number one spot sa 5-1 baraha.

Ang panalo ay nagbigay din sa IEM ng 2-0 sweep sa kanilang head-to-head sa Systema sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Sina Jason Canlas, Jeffrey Jimenez at Karl Ian Dela Calzada ang kumamada nang husto para sa Volley Masters na makakaharap ang Systema sa Linggo sa pagsisimula ng best-of-three title series.

May 16 puntos si Canlas mula sa 13 kills at 2 aces habang si Jimenez ay mayroong 11 kills at 2 blocks tungo sa 14 hits. May panuportang 11 hits pa si Dela Calzada na pinagningning sa pamamagitan ng dalawang blocks at dalawang aces.

Naglalaban pa ang cagayan at Meralco sa ikalawang laro para sa women’s division.

 

vuukle comment

ACTIVE SMASHERS

DELA CALZADA

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

JEFFREY JIMENEZ

KARL IAN DELA CALZADA

SAN JUAN CITY

SHAKEY

SINA JASON CANLAS

SPORTS VISION

VOLLEY MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with