^

PM Sports

Sadorra nagbida sa panalo ng Phl men’s team vs Chile

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinanalo ni GM Julio Catalino Sadorra ang drawish game laban kay GM Rodrigo Vasquez Schroeder sa 56 moves upang pangunahan ang Philippine men’s team sa 2.5-1.5 win panalo kontra sa Chile sa fifth round ng 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway nitong Miyerkules.

Naka-draw naman sina GMs John Paul Gomez at Eugene Torre at IM Paul Bersamina laban kina GM Mauricio Flores Rios, IM Cristobal Henriquez Villagra at FIDE Master Pablo Salinas Herrera, ayon sa pagkakasunod para iselyo ng mga Pinoy ang ikalawang sunod na panalo para makalikom ng seven match points.

Ang panalo ay nagbalik sa Phl men’s team sa pakikisalo sa 25th place kasama ang 18 iba pa.

Susunod na kalaban ng mga Pinoy ang Austria nitong Biyernes pagkatapos ng break ng 14-day tournament  nitong Huwebes.

Nanatiling walang talo sina Torre na may 3.5 points sa 2-panalo at 3-draws habang si Ber-samina ay may 3-points sa five games.

Nalasap naman ng Phl women’s team ang ikalawang sunod na pagkatalo matapos yumukod sa 14th-seeded Bulgarians, 0.5-3.5,  na naglaglag sa kanila sa pakikisalo sa ika-61 puwesto.

Tanging si Jan Jodilyn Fronda ang ‘di natalo nang maka-draw kay WGM Adrianma Nikolova sa Board 3 matapos matalo sina Cheradine Camacho, Janelle Mae Frayna at Christy Lamiel Bernales kina women’s world champion Antoaneta Stefanova, WGM Iva Videnova at WGM Margarita Voiska, ayon sa pagkakasunod.

May tsansa sanang manalo sina Torre at Bersamina ngunit nagkamali sila ng mga tira sanhi ng kanilang kabiguan.

 

vuukle comment

ADRIANMA NIKOLOVA

ANTOANETA STEFANOVA

CHERADINE CAMACHO

CHESS OLYMPIAD

CHRISTY LAMIEL BERNALES

CRISTOBAL HENRIQUEZ VILLAGRA

EUGENE TORRE

IVA VIDENOVA

JAN JODILYN FRONDA

JANELLE MAE FRAYNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with