^

PM Sports

Jade Bros. Farm, nangunguna pa rinsa hanay ng mga horse owners

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanatili ang Jade Bros. Farm sa unang puwesto sa hanay ng mga horse owners sa palakihan ng kita matapos ang buwan ng Hunyo.

May nalikom na P6,527,622.40 ang mga kabayong inilaban mula sa nasabing stable at tampok dito ang 49 panalo na siyang pinakamarami sa nasabing hanay.

May 31 segundo, 22 tersero at 36 kuwarto puwestong pagtatapos pa ang mga kabayo ng Jade Bros. Farm.

Pero ang nagbibigay ngayon ng matinding ha­mon sa nasa unahan ay si Atty. Narciso Morales na umangat mula sa ikatlong puwesto noong Mayo.

Sampung panalo ang naipasok ng mga kabayo  ni Morales para magkaroon na ng kita na P6,244,340.18 buhat sa 41 panalo 42 segundo, 38 tersero at 33 kuwarto puwestong pagtatapos.

Ang dating nasa ikalawang puwesto na si Pa­trick Uy ay bumaba sa ikatlong puwesto habang sina Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at Aristeo Puyat ang nasa ikaapat at ikalimang puwesto.

May P5,777,770.01 kita na si Uy sa 44 panalo, 21 segundo, 30 tersero at 37 kuwarto puwesto habang si Abalos ay kumabig na ng P5,562,021.17 (21-28-14-9) at si Puyat ang kukumpleto sa tatlong horse owners na may mahigit limang milyon kita na sa P5,327,480.21 (33-31-47-34).

Nasa ikaanim na puwesto si RB Dimacuha sa P4,730,075.78 (32-21-17-13), bago sinundan ng SC Stockfarm sa P4,602,086.56 (32-21-22-14),  AV Tan Jr. sa P4,561,747.21 (20-15-14-22), Eduardo Gonzales sa P4,472,074.14 (32-22-22-19) at Triple Crown cham­pion horse owner Emma­nuel Santos sa P4,211,675.19 (12-7-7-8).

Ang Horse Owner of the Year noong nakaraang taon na si Hermie Esguerra ay nasa ika-12 puwesto tangan ang P3,627,874.50 mula sa 27 panalo, 14 segundo, 9 tersero at 4 kuwarto puwes­tong pagtatapos habang si Leonardo “Sandy” Javier Jr. ang kasunod  ni Esguerra bitbit ang P3,501,753.44 (21-15-17-23).

Si dating Philracom commissioner at may-ari  ng mahusay na imported horse Crucis na si Marlon Cuna­nan ay nasa ika-14th puwesto sa P3,355,011.12 (26-15-11-10). (AT)

vuukle comment

ANG HORSE OWNER OF THE YEAR

ARISTEO PUYAT

EDUARDO GONZALES

HERMIE ESGUERRA

JADE BROS

JAVIER JR.

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

PUWESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with