^

PM Sports

Wade pumirma na rin sa Heat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling maglalaro sina Dwyane Wade, Chris Bosh at Udonis Haslem para sa Heat at makakasama nila si Luol Deng sa Miami.

Muling pinapirma ng Heat si Wade sa isang mul­ti-year.

Ang 32-anyos na All-Star guard ay maaaring tu­manggap ng halos $15 milyon bawat season, ayon sa ulat ng ESPN.

Inilarawan naman ni team president Pat Riley ang pagkakadagdag kay Deng bilang “one of the most important free agent signings that we have ever had in the history of the franchise.”

Hindi ibinunyag ng Heat ang detalye ng kon­trata ng dating forward ng Chicago Bulls, ngunit na­una na itong inihayag na isang two-year, contract na nagkakahalaga ng $20 mil­yon.

Pumayag naman si Has­lem sa isang two-year deal na nagkakahalaga ng $5.6 milyon, ayon sa South Florida Sun Sentinel.

Inihayag din ng Heat ang pagpapirma kay for­ward James Ennis na ka­ni­lang nakuha sa trade no­ong nakaraang 2013 NBA Draft,

Naglaro si Ennis sa Aus­tralia noong nakaraang season.

Pinalagda naman ng Houston Rockets si Joey Dorsey sa isang two-year, $2 million contract para palitan si Omer Aski bilang backup ni center Dwight Howard.

Nakipagkasundo rin ang Rockets sa isang one-year contract ni dating Mil­waukee Bucks forward Jeff Adrien para sa veteran minimum.

Ang 30-anyos na si Dor­­sey ay hindi pa nagla­laro sa NBA sapul noong 2011.

Sa kanyang tatlong NBA season ay nagtala siya ng mga averages na 2.6 points at 3.8 rebounds sa 61 career games.

Kinuha naman ng Mem­­­phis Grizzlies si guard Beno Udrih para sa isang multi-year contract.

Nagposte si Udrih ng mga averages na 4.9 points, 1.4 rebounds at 2.8 assists sa 41 games para sa New York Knicks at Grizzlies noong nakaraang season.

Magtutungo si free-agent forward Kris Hum­phries sa Washington Wi­zards matapos pumayag sa isang three-year, $13 million deal.

Kinumpirma naman ng Dallas Mavericks ang paglagda ng kontrata nina All-Star forward Dirk No­witzki at forward Chandler Parsons.

Si Nowitzki ay inaasa­hang pipirma ng three-year deal na nagkakahalaga ng $25 milyon.

Lumagda si Parsons, isang restricted free agent, ng three-year, $46 million offer sheet sa Mavericks matapos itong tanggihang tapatan ng Houston Roc­kets.

 

 

vuukle comment

BENO UDRIH

CHANDLER PARSONS

CHICAGO BULLS

CHRIS BOSH

DALLAS MAVERICKS

DIRK NO

ISANG

SHY

YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with