^

PM Sports

Suarez nagbida sa panalo ng Uruguay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago mag-World Cup, nag-aalala ang Uruguay sa tuhod ni Luis Suarez at iniisip din ng Colombia ang may injury din na si Radamel Falcao.

Matapos ang masasayang selebrasyon nitong Huwebes, walang dapat ipag-alala ang dalawang team.

Wala pang isang buwan matapos mao-perahan, nagbalik ang walang kapares na si Suarez para umiskor ng dalawang mahahalagang goals sa World Cup para makapasok ang Colombia sa second round bagama’t wala ang kanilang star striker.

Nanalo ang mga South American teams sa iskor na 2-1 kung saan itinulak ng Uruguay ang England sa bingit ng elimination at tinalo ng Colombia ang Ivory Coast para umusad sa Group C matapos ang scoreless draw ng Greece at Japan.

Ang resulta ay lalong nagpatatag ng dominasyon ng South America sa World Cup na kasalukuyang idinaraos sa Brazil. Ang mga koponan mula sa kontinenteng ito ay mayroon nang pitong panalo sa 10 laro.

Patuloy ang pananalasa ng Colombia kahit wala si Falcao.

Para sa Uruguay, binuhay ni Suarez ang kanilang kampanya matapos ang  3-1 pagkatalo sa Costa Rica. Kapantay ng Uruguay ang Italy at Costa Rica sa Group D at maghaharap ang dalawang koponang ito sa Biyernes sa Recife.

Mga 15 miles mula sa pinagdausan ng Uruguay-England game sa Sao Paulo, may 2,000 katao ang nagprotesta laban sa World Cup kung saan may nangyaring pambabasag ng mga bintana ng mga banko at at iba pang establishimento at spray-painting ng anti-capitalist slogans sa mga gusali.

vuukle comment

COSTA RICA

GROUP C

GROUP D

IVORY COAST

LUIS SUAREZ

RADAMEL FALCAO

SAO PAULO

SOUTH AMERICA

SOUTH AMERICAN

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with