^

PM Sports

PLDT-myDSL PBA Philippine Cup Itinabla ng Ginebra

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipasok ni Eman Monfort ang mahalagang three-points shot para manumbalik ang kumpiyansa ng Barangay Ginebra na nanaig sa San Mig Coffee, 85-82, sa Game Four ng PLDT-myDSL PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakitang naglaho parang bula ang naipundar na 16 puntos sa ikatlong yugto (70-54) dahil hindi nakaiskor sa unang limang minuto ng huling yugto, naipasok ni Monfort ang pabandang tres para tapyasan sa isa ang kalamangan na ng Mixers, 75-76.

Nasundan ito ng 3-point play ni Mac Baracael upang mabawi ng Gin Kings ang kalama-ngan habang ang follow-up ni Japeth  Aguilar sa mintis ni LA Tenorio at split ng Gin Kings guard ang nag-akyat sa kalamangan sa apat, 83-79.

Pinakaba ng Mixers ang mga panatiko ng Ginebra nang maipasok ni Joe DeVance ang tres para dumikit sa isa, 83-82.

Ngunit naipasok ni Tenorio ang dalawang free throws bago  sumablay ang tangkang panablang tres ni James Yap.

Si Baracael ay gumawa ng 20 puntos, kasama ang four-of-five shooting sa tres, para makabawi matapos mapatalsik sa Game Three bunga ng dalawang technical fouls.

Ang panalo ay nagpanatili sa di paglasap ng tropa ni coach Renato Agustin ng magkasunod na kabiguan sa liga ngunit ang mas mahalaga ay itinabla uli ng Gin Kings ang serye sa 2-2. (AT)

GINEBRA 85 - Baracael 20, Tenorio 16, Slaughter 11, Ellis 9, Aguilar 7, Caguioa 7, Helterbrand 5, Monfort 5, Reyes 3, Mamaril 2.

SAN MIG SUPER COFFEE 82 - Yap 20, Devance 13, Barroca 10, Melton 9, Pingris 7, Sangalang 7, Mallari 6, Simon 5, Reavis 5, De Ocampo 0.

Quarterscores: 21-20, 46-43, 70-56, 85-82

vuukle comment

AGUILAR

BARANGAY GINEBRA

DE OCAMPO

EMAN MONFORT

GAME FOUR

GAME THREE

GIN KINGS

JAMES YAP

MAC BARACAEL

TENORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with