^

PM Sports

PLDT-MyDSL habol ang 3rd place

AT - Pang-masa

Laro NGAYON

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

2:00 pm --- RC Cola

 vs Petron (W)

4:00 pm --- Cagayan Valley vs PLDT (W)

6:00 pm --- Giligan’s

vs Maybank (M)

 

MANILA, Philippines - Pasiglahin ang naunsiyaming kampanya ang pagsisikapang gawin ng PLDT-MyDSL sa pagharap sa Cagayan Valley para sa ikatlong puwesto sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nawalang-saysay ang 5-0 karta ng Speed Boosters sa classification round nang mabigo silang umabante sa finals matapos tanggapin ang masakit na 25-17, 22-25, 25-21, 25-27, 14-16, pagkatalo sa Cignal noong Sabado.

Dahil sa pangyayari, nagkasya na lamang ang tropa ni coach Roger Go-rayeb na lumaban para sa ikatlong puwesto sa Lady Rising Suns na natalo sa nagdedepensang kampeon TMS-Army sa 15-25, 20-25, 17-25, iskor.

Asahan naman na pupukpok din ang Lady Rising Suns na balak pag-ibayuhin ang pang-apat na puwestong inabot sa Invitational Conference sa ligang inorganisa ng Sports Core na may basbas ng International Volleyball Federation at suportado ng Mikasa, Asics, LGR at Jinling Sports bukod sa tulong ng Solar Sports.

Magtutuos din ang Giligan’s at Maybank para sa pangatlong puwesto sa men’s division

Ang finals ng liga ay gagawin sa Sabado at ang mga naglaban sa Invitatio-nal na TMS-Army at Cignal ang magbabakbakan sa women’s title habang PLDT-MyDSL at Systema Active Spikers ang magtutuos sa men’s division.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

GILIGAN

GRAND PRIX

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

INVITATIONAL CONFERENCE

JINLING SPORTS

LADY RISING SUNS

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with