^

PM Sports

NCAA basketball aabot ng December?

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Nakaligtas man ang NCAA sa  pagkakansela ng laro dahil sa baha dulot ng bagyo... Walang nagawa ang pamunuan ng liga kundi magkansela uli ng laro kahapon.

Nadagdagan na naman ng playdate ang NCAA kaya extended na naman sila. Ilang beses naapektuhan ang mga laro ng NCAA dahil sa baha dulot ng mga bagyong tumama sa ating bansa.

Nakaligtas ang Maynila sa bagyong Santi na nanalasa sa Nueva Ecija…. pero ang NCAA, hindi nakaligtas sa pagkakansela ng laro…

Siguradong aabutin na ng Nobyembre bago matapos ang eliminations ng NCAA.

May Final 4 pa…tapos finals…

Malamang na December na ‘yan matatapos kung magkakaroon pa ng mga kanselasyon.

Ang haba  ng season ngayon ng NCAA.

First time daw ito sa Seniors kung sakaling uma-bot ng December pero nangyari na daw ito sa Juniors na umabot hanggang December.

Bukod sa mga bagyo, nagpahinga din ang NCAA bilang pagbibigay daan sa FIBA-Asia Championships kung saan naka-silver ang Gilas Pilipinas.

***

Hindi ito ang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather  Jr. fight na inaabangan ng marami, ma-laki at importanteng laban ang haharapin ng ating Pambansang Kamao.

Hindi puwedeng basta-basta-training lang ang gagawin ni Pacquiao sa kanyang laban kontra kay Brandon’ Bambam’ Rios sa Nov. 24 sa Macau. Kailangang seryosohin niya ito ng husto.

Sa labang ito nakasalalay ang kanyang boxing career, ang kanyang estado sa larangan ng boxing, ang kanyang reputasyon bilang boksingero.

Maraming nakataya kay Pacquiao sa labang ito. Marami siyang kailangang burahin sa labang ito.

vuukle comment

ASIA CHAMPIONSHIPS

GILAS PILIPINAS

MANNY PACQUIAO-FLOYD MAYWEATHER

MAY FINAL

NAKALIGTAS

NCAA

NUEVA ECIJA

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with