^

PM Sports

Power Pinays umiskor sa Asian Women’s Volleyball

Pang-masa

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Tinalo ng Philippine Team ang Sri Lan­ka, 19-25, 25-18, 19-25, 25-23, 15-11, para sa ka­nilang unang panalo sa 17th Asian Women’s Vol­­ley­ball Championship sa MCC Hall noong Lu­nes ng gabi.

Ito ang unang panalo ng bansa sa naturang bien­nial meet matapos ang wa­long taon.

Ang tagumpay ang nag­bigay sa 16th-ranked na Power Pinays ng pag­ka­kataong lumaban para sa ika-9 hanggang ika-12 pu­westo sa classification phase kung mananalo sila sa Myanmar.

Naiwanan ng isang set ng 13th ranked na Sri Lan­ka, winalis ng Power Pi­nays ang huling dalawang sets para kunin ang panalo.

Pinamunuan ni vete­ran Aiza Maizo-Pontillas ang pagbangon ng kopo­nan sa deciding set kung saan sila bumawi mula sa 9-11 paghahabol para umiskor ng anim na puntos.

Tumapos ang UST alum­nus na may team--high na 22 points.

vuukle comment

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ASIAN WOMEN

MYANMAR

PHILIPPINE TEAM

POWER PI

POWER PINAYS

SHY

SRI LAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with