^

PM Sports

Laban ng Gilas laban ng Pilipinas

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Ang laban ng Gilas sa katatapos lamang na FIBA-Asia Championships ay naging laban ng buong Pilipinas, nagkakaisa ang lahat.

‘Yan ang nagawa ng Gilas National Team para sa Pilipinas.  Napatunayan natin na iisa ang puso ng Pinoy pagdating sa basketball.

Nakita natin ‘yan noong Sabado at Linggo.

Pati si Pangulong Noynoy Aquino, nagpakita ng suporta sa Gilas.

First time na nakita nating nag-appear sa isang sports event si P-Noy.

Bukod kay P-Noy, maraming mga government officials ang nanood din sa MOA Arena kagabi.

Nandoon din si Manny Pacquiao kasama ang asawang si Jinkee, Vice-President Jejomar Binay, iba pang mga Senador, Mayor.

Marami ring mga celebrities na nanood sa pangunguna ni Vic Sotto na biyenan ng Gilas player na si Marc Pingris, asawa ni Danica Sotto. Nandoon din si Robert Jaworski.

Punung-puno ang MOA Arena at marami ring tumutok sa kanilang telebisyon para panoorin ang laban ng Gilas.

Sayang nga lang at hindi tayo nag-champion. Pero hindi naman ito inaasahan ng marami.

Ngunit sa likod ng kabiguang ito ay itinuturing itong isang malaking tagumpay para sa Pinas.

Maraming na-achieve ang Gilas sa torneong ito.

Bukod sa nagawa ng Gilas ang misyong makasiguro ng ticket sa 2014 FIBA-World Championships, ma-tamis ang panalong ito nakabawi na tayo sa Korea na la-ging hinihiya ang Pilipinas sa mga naunang pagkikita.

At nagawa nila ito nang wala si Marcus Douthit.

Natapos ang 28-taong pagkasabik ng mga Pinoy na makalaro uli sa FIBA-World.

Nagbunga ang lahat ng hirap, pagod at gastos ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Gilas. Nasuklian ang sakripisyo ng PBA na nagbago ng kanilang season calendar. Nagbunga rin ang lahat ng sakripisyo ng mga players. Nasuklian ang suporta at dasal ng mil-yun-milyong Pinoy.

Bigo man sa Iran, tagumpay pa rin ang Gilas sa puso ng mga Pinoy.

 

vuukle comment

ASIA CHAMPIONSHIPS

BUKOD

DANICA SOTTO

GILAS

GILAS NATIONAL TEAM

MARC PINGRIS

MARCUS DOUTHIT

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with