Millsap maglalaro sa Hawks
ATLANTA --- Isang two-year, $19 million contract ang napagkasunduan nina free agent forward Paul MillÂsap at ng Atlanta Hawks.
Isinuko ng Utah Jazz ang kanilang karapatan kay Millsap para makagawa ng trade sa Golden State Warriors.
Sa naturang trade, makukuha ng Jazz ang mga exÂpiring contracts nina Richard Jefferson, Andris BiedÂrins at Brandon Rush.
Nagposte si Millsap ng mga averages na 14.6 points at 7.0 rebounds para sa Jazz sa nakaraang season.
Pipirma na rin si forward DeMarre Carroll, ang kakampi ni Millsap sa Utah, ng kontrata sa Hawks.
Isang two-year deal na nagkakahalaga ng $5 milÂyon ang lalagdaan ni Carroll, ayon sa Atlanta Journal-ConsÂtitution.
Naglista siya ng mga averages na 6.0 points at 2.8 reÂbounds last season.
Ang pagkuha kay Millsap ay simbolo ng pagsuko ng Hawks na muling mapapirma si free agent forward Josh Smith.
- Latest