^

PM Sports

Final 12 ng Gilas Pilipinas pipiliin ni Reyes sa New Zealand

Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago ang kanilang la­ro sa New Zealand series sa Huwebes ay papa­ngalanan ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang kan­yang Final 12  para sa 27th FIBA-Asia Men’s Cham­pionships.

Ang kanyang mapipili ay mula sa 13 players na maglalaro sa New Zealand tour simula sa Martes.

Ang mga players na ma­kikita sa aksyon sa New Zealand na nauna nang lumahok sa training camp sa Lithuania noong na­karaang buwan ay sina na­turalized player Marcus Douthit, Gary David, L.A. Tenorio, Ranidel de Ocampo, Jeff Chan, Gabe Norwood at Larry Fonacier.

Kabilang din sa kopo­nan sina Jayson Castro, Marc Pingris, Junmar Fa­jardo, Jimmy Alapag, Ja­peth Aguilar at Beau Bel­ga.

Wala naman sa lista­han sina Sonny Thoss at Greg Slaughter.

Sumailalim si Thoss, ang second-string guard ng Gilas sa nakaraang Jones Cup at sa FIBA-Asia Cup, sa isang medical treatment sa China ma­tapos tulungan ang Alaska Aces sa pagsikwat sa ko­rona ng 2013 PBA Com­missioner’s Cup.

Kasalukuyan namang nag-aaral ang seven-foo­ter na si Slaughter sa Ate­neo.

Sinabi ni Reyes na ka­sama pa rin sina Thoss at Slaughter sa national pool, ngunit posibleng hindi rin  mapili dahil sa kabiguan nilang sumama sa pagsasanay ng Nationals.

Posibleng maging re­serves sina Thoss at Slaughter o pamalit sa mag­kakaroon ng injury pa­ra sa FIBA-Asia Men’s Championships.

Ang mga magsisilbing backups ay sina Kelly Wil­liams, Ryan Reyes at Ja­red Dillinger at sina cadet players Garvo Lanete, RR Garcia, Kevin Alas, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Ronald Pascual.

Kabilang sila sa 24-man roster na isinumite ng Gilas sa FIBA-Asia no­ong Hunyo 18.

vuukle comment

ALASKA ACES

ASIA CUP

ASIA MEN

BEAU BEL

CHOT REYES

GABE NORWOOD

NEW ZEALAND

SHY

THOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with