^

PM Sports

Perpetual Lady spikers pasok sa q’finals

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nagpabaya ang mga inaasahang manlalaro ng Perpetual Help para walisin ang University of San Carlos-Cebu, 25-14, 25-19, 25-19, sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 First Confe-rence kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kailangang manalo para makaabante sa quarterfinals sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, humataw sina April Ann Sartin, Honey Rose Tubino, Norie Jane Diaz at Joy Cases para kunin ang unang panalo matapos ang dalawang dikit na talo.

May tig-11 hit sina Sartin at Tubino na nagmula sa tig-walong kills. Si Tubino ay mayroong tatlong service aces habang dalawang aces at isang block ang idinagdag ni Sartin.

Dalawang blocks tu-ngo sa 9 hits ang ibinigay ni Diaz habang si Cases ay may walong hits para sa NCAA champion Perpetual na kinailangan lamang ang isang oras at 11 minuto para patalsikin ang CESAFI champion Lady Warriors sa larong may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Tatlong kamador ng UST ang todo-todo ring naglaro para ibigay sa Lady Tigresses ang 25-16, 25-23, 25-20, tagumpay sa Letran sa isa pang laro.

Ikatlong panalo sa 4- laro ang nakuha ng Lady Tigresses sa Group A at sina Aiza Maizo, Maika Ortiz at Pamela Lastimosa ay nagsanib sa 40 hits.

 

vuukle comment

AIZA MAIZO

APRIL ANN SARTIN

FIRST CONFE

GROUP A

GROUP B

HONEY ROSE TUBINO

JOY CASES

LADY TIGRESSES

LADY WARRIORS

MAIKA ORTIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with