^

PM Sports

NBA preseason game Rockets vs Pacers sa MOA

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makasaysayan ang petsang Oktubre 10 para sa Philippine basketball dahil sa araw na ito matutunghayan ang dalawang NBA teams na maglalaro sa bansa.

Pinangunahan kahapon nina Senior VP at Managing Director NBA Asia Scott Levy at SM Prime Holding Inc. President Hans Sy ang pormal na pag-aanunsyo ng kauna-unahang preseason game ng NBA sa bansa na gagawin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Houston Rockets sa pangunguna nina James Harden at Jeremy Lin, ay sasagupain sa Indiana Pacers na pamumunuan naman nina Danny Granger at Paul George.

“I am thrilled to announce that the NBA will have its first preseason game in Manila between the Indiana Pacers and the Houston Rocket,” wika ni NBA commissioner David Stern sa isang video message na ipinalabas sa Arena.

Hindi naman naging mahirap para sa NBA na piliin ang Pilipinas dahil kilala ang mainit na suporta ng mga Filipino sa NBA games, wika ni Levy.

“We are delighted to be here to announce the first preseason NBA games in the Philippines. We will be bringing in two storied franchise with young and exciting players to participate and the players and team owners are excited to come and play in front of spectacular fans,” pahayag ni Levy.

Hindi rin naging problema ang pagsasakatuparan sa bagay na ito dahil ang SM ay matagal ng katuwang ng  NBA sa pagpo-promote ng liga tulad ng pagbebenta ng kanilang mga produkto.

“Filipinos are the world’s number one dedicated basketball fans and this love for basketball deserves no less than the biggest league in the world,” wika ni Sy.

Noon pang 2011 inim-bitahan ni Sy si Stern na magdaos ng NBA preseason game sa bansa.

vuukle comment

ANG HOUSTON ROCKETS

ASIA SCOTT LEVY

DANNY GRANGER

DAVID STERN

INDIANA PACERS

INDIANA PACERS AND THE HOUSTON ROCKET

JAMES HARDEN

JEREMY LIN

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with