^

PM Sports

Juggling Act sasalang uli sa Philracom-Prieto Stakes

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Juggling Act na makuha ang ikalawang malaking panalo sa taon sa pagtakbo sa  2013 Philracom Leopoldo 'Leo' L. Prie-to (I) sa Pebrero 9 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Walong kabayo ang nagpatala sa kakarera ng nasabing stakes race na itinalaga rin bilang 2nd leg ng Imported/Local Challenge Race na paglalabanan sa 1,700m distansya.

Ang iba pang nagpatala ay ang Azkals, Botbo, Chevrome, Crucis, Indy Hay, Righthererightnow at Tritanic.

Ang Chevrome at Righthererightnow ang mga local horses na sisikaping  sorpresahin ang mga imported horses sa karerang sinahugan ng P500,000.00 kabuuang premyo.

Inaasahang mapapaboran ang Juggling Act matapos dominahin ang 1st leg na tinawag din bilang 2013 Philracom Ne-mesio S. Yabut III noong nakaraang buwan.

Sa pagdiskarte ni jockey Jonathan Hernandez, ang kabayong pag-aari ni Herminio Esguerra ay nanguna sa isang milyang karera upang iparamdam ang kakayahang magdomina uli sa kanyang hanay. Ang tinalo ng Juggling Act ay ang Azkals bago sumunod na tumawid and Crucis at Indy Hay upang makumpleto ang datingan.

Tiyak na gagawin ng mga talunan sa unang tagisan na makabawi sa pagkakataong ito kaya’t mas magi-ging kapana-panabik ang magaganap na tagisan na siyang pinakatampok na karera sa paglipat ng karera sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc.

Ang mananalo ay magkakamit ng P300,000.00 habang P112,500.00, P62,500.00 at P25,000.00 ang makakamit ng tatlong sunod na titimbang. May P15,000.00 breeder’s purse rin ang mananalong kabayo.

 

vuukle comment

ANG CHEVROME

AZKALS

HERMINIO ESGUERRA

INDY HAY

JONATHAN HERNANDEZ

JUGGLING ACT

LOCAL CHALLENGE RACE

PHILIPPINE RACING CLUB INC

PHILRACOM LEOPOLDO

PHILRACOM NE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with