^

True Confessions

La Viuda (13)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

WALANG hawakan ang bakal na pinto sa sahig. Naisip ni Kristina na baka bahagi lang talaga ito ng sahig dahil isa itong pintuan, bakit walang puwedeng mahawakan para buksan ito. Iniwan na ito ni Kristina at bumalik na sa kanyang higaan sa ikalawang palapag.

Nang sumapit ang hatinggabi, muling lumitaw ang anino ng kanyang “asawa” sa tabi ng kanyang higaan. Tulad noong nakaraang gabi, inaya ni Kristina na tabihan siya nito. Agad sumunod ito sa kanya at naghawak muli ang kanilang mga kamay.

Habang nakatitig sa lalaki sa gitna ng kadiliman ng silid, dahan-dahang nagtanong si Kristina. “Sinabi sa akin na may daanan daw sa ibaba... naroroon ba ang kabilang buhay?” inosenteng tanong nito.

Dahan-dahang inirolyo ng lalaki ang kanyang mga daliri sa mga daliri ni Kristina, puno ng pagmamahal at pagkakasala.

“Hindi mahalaga kung ano ang meron sa ibaba...” pabulong nitong tugon sa paos na boses. “Ang mahalaga, kapag kasama kita rito, nadadama mo ako. Pakiusap, Kristina... huwag mong hahanapin ang sagot. Manatili ka lang sa piling ko.”

Inilapit ng lalaki ang kanyang mukha at dahan-dahang hinagkan ang pisngi ni Kristina pababa sa kanyang leeg. Napapikit ang dalaga sa matinding init ng haplos nito. Nang magawi ang kamay ni Kristina sa binti ng lalaki, may humarang na malamig at mabigat na bakal sa kanyang mga daliri.

Nang ilipat niya ang kanyang tingin sa ibaba sa tulong ng ilaw ng buwan, nanlaki ang kanyang mga mata. May nakakabit na kadena sa kaliwang bukung-bukong ng lalaki!

“Ano ‘to... bakit ka may ka­dena?” nanginginig na usisa ni Kristina.

Gulat na napamulat ang lalaki at mabilis na itinago ang kanyang paa. “Patawarin mo ako—” utal nitong usal bago mabilis na tumayo, patakbong bumaba sa hagdanan, at naglaho sa kadiliman ng unang palapag.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with